“Layuan mo na ako. Hindi na kita mahal.”
“Mahal na mahal kita kaya pakiusap tayo nalang ulit,” sabi ng aking dating kasintahan habang patuloy akong tumatakbo.
“Ate?” Napalingon ako sa pamilyar na boses sa may ‘di kalayuan. Nakita ko ang aking bunsong kapatid na nakatingin. Pero bago pa man ako makalapit ay dumating na si Tita na umiiyak at kinausap ang kapatid ko.
“Halika na,” sabi ni Tita at saka sila pumasok sa loob.
Lingon ng lingon ang kapatid ko sa’kin pero hindi ko siya magawang lapitan.
Nakaramdam ako ng isang yakap galing sa dati kong kasintahan.
“Sumuko ka na. Sabi ko naman sa’yo ‘di ba? Susundan kita hanggang kamatayan.”

